Noong nakaraang araw naglalakad ako para bumili ng pizza. Habang naglalakad
patungo sa pizza shop. Hindi ko alam kung papano at bakit nangyari yun. Na para
bang isang slow motion yung nangyari habang nadudulas na ako. May
nakasalubong pa kong babae na nakatingin sakin habang patukod na yung tuhod ko
Nasabi ko pa sa sarili ko “Anong nangyari? Bakit madulas dito? ”
at ako’y biglang napaluhod. Hindi ko namalayan na yung kaliwang tuhod ko tumukod na sa kalsada na parang bang ang itsura ko ay ung nag-propose na lalaki, pero ang totoo nakaramdam ako ng sakit.
Bigla kong tumayo at hindi pinansin ang mga taong nasa paligid ko na nakakita
nang nangyari, nilingon ko kung anong bagay ang nakapagpadulas sakin. At yun
nga nakita ko ang isa sirang bigkis ng walis tingting na nakakalat sa kalsada.
Hindi ko alam bakit hindi ko napansin iyon habang naglalakad ako. Siguro dahil
naka-focus nalang yung mind ko sa klase ng pizza na bibilihin.
Habang papalayo na ko sa lugar kung saan ako nadulas, sinasabi ko sa sarili ko “Owww.
Grabe! Ang sakit talaga” pero ni minsan sa isang segundo hindi ako huminto para
tignan yung tuhod ko ni kapain man para kahit papano maalis yung hapdi na naramdaman
ko.
Nang makarating na ko sa pizza shop, pinili ko yung pinaka THE BEST sa BEST
SELLER nila, which is GRANDSLAM pizza. Hindi ko alam kung bakit parang yun yung
naisip ko bilhin dahil siguro muka talaga siyang napakasarap. Habang nasa pizza
shop ako, naamoy ko na yung pepperoni at greenbelt pepper lalo pa kong
natakam!!
Nang makuha ko na yung larg size GRANDSLAM pizza, naexcite na akong umuwi kase
that pizza will be my dinner too (diet kunwari hehe).. Habang naglalakad pauwi, nadaanan ko ulit
yung kalsada na kung saan ako nadulas. Nagmasid-masid yung mata ko, nakita ko umunti nalang yung mga taong nasa
paligid ko kesa kanina noong madulas ako.
Napansin ko na
malapit na pala ko dun sa eksaktong lugar kung saan ako nadulas. At nakita ko
nalinis na yung kalsada kung saan nandoon knina yung mga walis tingting na nakakalat, pero may nakita pa kong isa.
Medyo natakot ako noong una kase baka hindi ko na naman mapansin yung kalat na
yun.
Nang makalagpas ako
sa eksaktong lugar kung saan ako nadulas, natuwa ako dahil alam kong kung sino
man yung mga taong nakakita sakin wala sila noong dumaan na ko pauwi. Nagkaroon
ako ng isang reyalisasyon sa buhay. Katulad ng isang naramdaman ko noong
naexcite ako bumili ng pizza, hindi ko napansin na habang naglalakad pala ko
may mga nakakalat na sirang walis tingting sa daan na magiging dahilan para
madulas ako.
Katulad sa buhay natin, nagkakaroon tayo ng
vision o isang pangarap na makamit ang isang bagay. Habang tinatahak natin ang
daan patungo sating pangarap, hindi natin napapansin may mga bagay pala na
magiging hadlang para hindi mapabilis yung pagkamit ng pangarap mo.
Minsan hindi natin namamalayan na mayroon palang isang pagsubok na pagdadaanan
along the way before makamit yung bagay na pinapangarap natin.
(P.s yung pizza hindi ko pinangarap yun -_- nagcraving lang ako hahah!)
Maaring ang sanhi ng pagbagal ng proseso ng tagumpay dahilan upang panghinaan
tayo ng loob. Maaring minsan ang mga
pagsubok na pagdadaanan mo napakahirap, mapapahiya ka sa madaming tao at
madaming makakakita ng pagbagsak mo at pagtatawanan ka.
Pwede kang umiyak sa pagbasak mo, pwede kang malungkot at magmaktol. Pero hindi
ka pwedeng manatili sa ganyang kalagayan mo. Mas lalo ka nilang pagtatawanan at
mamaliitin at magtatawag pa ng mga taong pwede magtatwa sayo.
Ipakita mo sa kanila na kaya mong bumangon! Lingonin mo ang pagkakamali mo sa
nakaraan at wag na iyong gawin sa hinaharap. Wag mong hayaang manatili kang
nakaluhod sa lugar na kung saan ka pinagtawanan ng mga taong hindi mo kakilala
maging nang iyong mga kakilala.
Huwag mong hayaang ang pagsubog ang magpabagal sayo sa iyong pangarap na
tagumpay at maging dahilan ng iyong muling pagbagsak. Tandaan mo, isa lang
magpapabagsak sayo..
Ikaw mismo! Ang sarili mo ang magbibigay ng dahilan para sa ikababagsak
mo, ikakasuko mo. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo na bumangon upang
ipakita na kaya mong abutin ang iyong pangarap. Walang tao ni ang Dios ang
makakatulong sayo, kung ikaw sa sarili mo hindi mo alam paano tulungan ang
sarili mo.
Lingonin mo ang pagkakamali mo sa nakaraan at gawin mo itong isang inspirasyon
upang magtagumpay, ipagpatuloy mo lang ang iyong mithiin. Lahat ng iyong
pangarap.. sa dulo makakamit mo rin yan!
At sa panahon na makamit mo na ang pangarap mo, makikita mo sa pagtahak mo
pabalik sa landas na kung saan ka nagkamali. Kaunti nalang ang mga taong
makakakita ng iyong pagbabalik.Ito ay dahil alam nilang magtatagumpay ka at hindi na magkakamali.
Sa mga taong gusto kang makitang magkamali o bumagsak..
Hindi mo sila makikita sa lugar na kung saan sila nagsisitawanan sayo, hindi mo sila makikita na naghahalakhakan at nagtatawag pa ng mga taong magtatatwa sayo. Dahil alam nilang makikita mo kung ano ang pagkakamali mo at maitatama mo ito, maaaring nagtatago na sila dahil alam nilang nagkamali sila sa kanilang ginawa o maaring isa sila sa taong tutulong sayo para maiwasan ang muli ang pagkakamaling iyon.
Hindi mo sila makikita sa lugar na kung saan sila nagsisitawanan sayo, hindi mo sila makikita na naghahalakhakan at nagtatawag pa ng mga taong magtatatwa sayo. Dahil alam nilang makikita mo kung ano ang pagkakamali mo at maitatama mo ito, maaaring nagtatago na sila dahil alam nilang nagkamali sila sa kanilang ginawa o maaring isa sila sa taong tutulong sayo para maiwasan ang muli ang pagkakamaling iyon.
Alam nilang mas nakakahiyang tawanan ang mga taong nadapa pero ginagawa pa rin nila, pero mas nakakahiyang isipin na ang taong tinawanan nila noon, nadapa at natutong bumangon.
Kaya mo yan! Hindi masamang magkamali, hindi nakakahiyang madama. Ang mahalaga.. Matuto ka sa iyong pagkakamali at iwasang muling magkamali.
God
knows what your heart desires and as long as you know your priority He will
answer all your prayers in time. In His time all things are possible. Ecclesiastes
3:3
Vision Sharer for Ivy Dela Cruz-Sepe All right Reserved 2014
www.ivysepe.com
www.ivysepe.com